Faq

May bayad ba ang Getcontact?

Maari mong gamitin ang GetContact ng libre. Mayroon kaming iba't ibang klase ng subscriptions kung saan makakagamit ka ng features na may mas mataas na limitasyon. Ang subscription at presyo ay maaaring magkakaiba sa bawat bansa. Kung mayroong Premium sa inyong lugar ay maaring niyong tingnan ang Premium sa aming Profile page.

Ang aking Getcontact ay hindi pa gumagana, hindi rin ako nakatanggap ng PIN Code.

Una, siguruhing nailagay ang tamang numero. Kung tama naman ang nailagay na numero ngunit hindi pa rin nakatanggap ng PIN code, subukan na lang muli kada-ika-15 minuto. Kung patuloy pa rin ang ganitong problema, maari kayong makipag-ugnayan sa support@getcontact.com.

Maari ba akong maghanap gamit ang pangalan?

Kinikilala ng Getcontact ang tumatawag gamit lamang ang numero nito. Sa kasamaang palad, hindi posible na maghanap gamit ang pangalan.

Paano nakalista bilang isang spam ang isang numero ng telepono?

Ang spam identification ay binuo na may isang espesyal na algorithm na nagpapanatili ng iyong seguridad sa pinakamataas na antas. Sinusuri ng Getcontact ang feedback ng milyun-milyong mga gumagamit at nagpasiya kung ang isang tawag ay spam o hindi. Patuloy naming pinabuting ang aming teknolohiya sa ganitong paraan araw-araw.

Paano ko mai-ba-block ang isang numero at iulat ito bilang spam?

Gamit ang "Report" na buton na nakikita mo kapag naghanap ka ng papasok na numero, maaari mong i-report o i-block ito sa mga natukoy na kategorya.

- Kung i-re-report mo lamang ang numero, ipapakita ito sa iyo bilang SPAM kalaunan.

- Kung parehong mong i-re-report at i-ba-block ang numero, hindi ka na makakatanggap ng tawag mula sa numerong ito.

Paano ko ma-po-protektahan ang aking sarili mula sa mga spam tawag?

Kung gumagamit ka ng iOS device;

Sa pammagitan ng pag-tap sa "Enable Protection" na buton sa ibaba ng Getcontact menu, maaarin mong paganahin ang spam protection ayon sa instructions.

Pagkatapos ng hakbang na ito, sa pamamagitan ng pag-swipe pababa sa Spam screen at pagpindot sa "Change Settings" sa "Spam Settings", maaari kang pumili ng isa sa mga sumusunod, "Block all spam calls" at "Show warning for spam and fraud calls".

Kung gumagamit ka ng Android device;

Maaari mong i-activate ang spam protection sa dalawang magkaibang paraan:

- Kapag na-install mo ang app, ang spam protection ay gagana kung magbibigay ng kaukulang permiso.

- Kung hindi mo naibigay  ang permiso, maaari mong paganahin ang spam protection kung susundin mo ang direksiyon mula sa menu ng  "Enable Protection" na maaari mong ma-access mula sa tab na "SPAM" sa ibaba ng menu.

Pagkatapos ng hakbang na ito, sa pamamagitan ng pag-swipe pababa sa Spam screen at pagpindot sa "Change Settings" sa "Spam Settings", maaari kang pumili ng isa sa mga sumusunod, "Block all spam calls" at "Show warning for spam and fraud calls".

Aksidente kong namarkahan ang numero bilang spam. Paano ko ito maaayos?

Gamit ang "Unblock" na buton na lilitaw sa screen pagkatapos mong maghanap ng numero, maaari mong i-unblock at alisin ito mula sa listahan ng spam.

Kapag na-click ang "Spam" sa ibaba ng menu at pagkatapos ay i-swipe ang pahina pababa, maaari mong ma-access ang "Block List" mula sa "Spam Settings" at alisin ang numero na iyong minarkahan bilang spam mula sa spam list sa pamamagitan ng pag-slide rito pakaliwa.

Bakit hindi ko makita ang impormasyon ng tumatawag sa lahat ng tawag?

Pinapahalagahan ng GetContact ang mga pribadong impormasyon ng bawat gumagamit nito. Hindi kami maaaring magbigay ng pagkakakilanlan ng may-ari ng numero na hindi nais magpakilala.

Ano ang Getcontact PIN?

Ang kasiguruhan ng impormasyon na aming ibinibigay ay mahalaga sa amin. Kailangan mong beripikahin ang iyong numero gamit ang one-time code upang makapagbigay kami sa'yo at sa iba pang mga gumagamit ng isang mas mahusay na karanasan sa Getcontact.

Ano ang isang tag? Paano ako makakapagdagdag ng mga tag?

Ang tag ay idinagdag na impormasyon para sa gumagamit ng Getcontact na mula sa iba pang mga gumagamit (palayaw, pangalan, atbp.). Ang mga tag ay maaaring pamahalaan ng gumagamit. Maaari kang mag-tag para sa iba pang mga gumagamit ng Getcontact mula sa seksyong  "Add Tag" na matatagpuan sa profile ng gumagamit. Maaari mo ring isagawa ang operasyon na ito mula sa menu na "Add Quick Tag" kapag nag-sign up ka sa app.

Maaari ba akong magdagdag ng mga tag para sa sarili ko?

Tulad ng pamantayan ng komunidad ng Getcontact, maaari kang magdagdag ng mga tag para lamang sa iba pang mga gumagamit; gayunpaman, maaari mong pamahalaan ang mga sariling mong tag.

Paano ko mapapamahalaan o mabubura ang aking mga tag?

Maaari mong makita at pamahalaan ang iyong mga tag sa iyong profile sa pamamagitan ng pag-tap sa "Show Profile" sa seksyong "Other" sa ibaba ng menu ng Getcontact. I-swipe lamang nang pakaliwa ang tag na gusto mong i-edit.

Paano ko mapapalitan ang pangalan ng aking profile sa Getcontact?

Maaari mong i-edit ang iyong nakalantad na pangalan mula sa iyong profile. Kapag na-edit mo na, ang iyong na-update na pangalan ng profile ay magiging prayoridad sa mga search results.

Paano ko magagawa na ang numero ng aking telepono na hindi nakikita sa mga contact?

Maaari mong ayusin ang iyong visibility setting sa pamamagitan ng sumusunod na link: https://www.getcontact.com/manage Ang mga pagbabago ay na-a-update sa aming servers sa loob ng 24 na oras. 

Paano ko mabubura ang Call/Search history ko?

Kung gumagamit ka ng iOS device;

Maari mong burahin ang iyong search history sa pamamagitan ng pag-tap sa "Clear All" na buton sa Search menu.

Kung gumagamit ka ng Android device;

Maari mong burahin ang iyong search history sa pamamagitan ng paggamit ng "Clear" na buton sa itaas na menu. Tandaan na upang mabura rin ang iyong listahan ng tawag, dapat mo ring burahin ang history ng tawag ng iyong telepono.

Bakit hindi nakikilala ang mga unknown callers?

Ang mga unknown callers ay pinamamahalaan ng mga operator ng GSM. Ang isang numero ay hindi dapat walang pagkakakilanlan upang hayaan ang Getcontact na makilala ito.

Bakit hindi ko makita ang pagkakakilanlan ng papasok na tumatawag?

Sa iOS devices, tanging ang mga tawag na minarkahan bilang spam ang makikilala.

Sa Android devices, pinagana ang setting na ito. Kung hindi mo makita ang pagkakakilanlan ng tumatawag, mangyaring siguraduhin na ibinigay mo ang lahat ng mga kinakailangang permiso. Maaari mong i-activate ang feature na ito sa pamamagitan ng pagsasa-ayos ng mga permiso sa app o sa settings ng iyong telepono.

Bakit iisang resulta lang ang nakikita ko?

Ang may-ari ng ibinigay na numero ay dapat na isang Getcontact user upang mailista mo ang lahat ng tags.

Ano ang error code 5001?

Maaaring natanggap mo ang error na ito dahil sa isang pansamantalang problema ng pag-access sa servers ng Getcontact. Maaari kang maghintay ng ilang sandali matapos na lumabas sa app at subukang muli matapos ang ilang sandali.

Ano ang error code 5003?

Maaaring may ilang mga kadahilanan ang error code na ito. Dapat kang magkaroon ng aktibong internet upang gamitin ang app. Suriing mabuti ang iyong koneksyon sa internet. Ang problemang ito ay maaaring nagyayari rin dahil sa mga paghihigpit ng pag-access na ginawa ng gobyerno sa ilang mga IP o mga domain.

Maaari ko bang makita kung sino ang nagdagdag ng mga tag para sa akin?

Dahil hindi kilala ang mga tag ng user, imposible na makita kung sino ang nagdagdag ng mga tag para sa iyo.

Ang aking phone number ay nakalista bilang spam.

Kinikilala ng Getcontact ang mga numero bilang mga spam gamit ang makabagong algorithm. Kung sa palagay mo na ang iyong numero ay nagkamaling nilista bilang spam, mangyaring makipag-ugnay sa amin sa support@getcontact.com Ang iyong numero ay sisiyasatin ng isang eksperto sa Getcontact. Hindi namin ginagarantiyahan na makagagawa kami ng anumang pagbabago para sa iyong numero na nasa aming SPAM filter o tanggalin ito mula roon.

Ang akin bang phonebook contacts ay mahahanap ng ibang gumagamit ng Getcontact?

Ang iyong contacts sa phonebook ay hindi kailanman ginawang pampubliko o mahahanap sa pamamagitan ng Getcontact. Ang pahintulot upang ma-access ang iyong contacts sa phonebook ay maaari lamang mangayari kung ibinigay mo ang iyong permiso at maaari lamang gamitin para sa nag-iisang layunin na iyo mismong pinahintulutan. Kailangan namin ng pahintulot upang ma-access ang iyong phonebook upang magbigay sa iyo ng isang perpektong karanasan at mabigyan ka ng karagdagang pakinabang sa Getcontact features.

Maaari ko bang baguhin ang aking numero?

Hindi posibleng baguhin ang iyong numero sa iyong Getcontact account. Kung ang iyong kasalukuyang numero ng Getcontact ay hindi magagamit at mayroon kang bago, maaari mong kanselahin ang iyong kasalukuyang subscription at mag-log out mula sa app. Pagkatapos ay maaari kang gumawa ng bagong account para sa iyong bagong numero. Iminumungkahi namin sa iyo na gamitin ang sumusunod na mga paraan upang ilipat ang iyong mga karapatan tulad ng Premium subscription, atbp sa iyong bagong numero:

- Kung ginawa mo ang pagbabayad ng Premium sa pamamagitan ng Google Play o Apple Store maaari mong ilipat ang iyong mga pribilehiyo ng Premium subscription sa iyong bagong numero sa pamamagitan ng pag-tap sa "Restore purchases" sa Premium page ng app. Kung nawalan ka ng access sa account kung saan nagawa ang pagbabayad, mawawalan ka rin ng iyong mga karapatan sa Premium.

- Kung ang pagbabayad ay ginagawa sa pamamagitan ng credit card o mobile operator, mangyaring makipag-ugnay sa amin sa support@getcontact.com Isang eksperto mula sa Getcontact ay aalamin ang sitwasyon at ililipat ang iyong mga binili sa iyong bagong numero. Mangyaring tandaan na sa ganitong kaso, ang mga pagbili na ito ay hindi na magagamit para sa iyong nakaraang numero.

Maaari ko bang malaman kung sino ang naghanap sa aking numero?

Tanging Premium users lamang ang binibigyan ng limitadong impormasyon tungkol sa kung gaano karaming beses at sa anong petsa ang iyong numero ay hinanap. Maaari mo ring makita ang mga tao na tumingin sa iyong mga tag nang detalyado. Gayunpaman, upang ma-access mo ang impormasyong ito, ang taong nakakita sa iyong mga tag ay dapat na naka-disable ang "Private Mode" sa kanilang settings. Kung pinagana ang "Private Mode," makikita mo ang taong ito bilang "Anonymous".

Paano ako magsisimula ng isang subscription?

Maaari mong tingnan ang Getcontact subscription packages mula sa "Getcontact Premium" na matatagpuan sa seksyong "Other" sa ibaba ng menu at pwede ka ng magsimula kung gusto mo. Maaari ka ring bumili gamit ang credit card o mobile operator na maniningil sa pamamagitan ng sumusunod na link: https://premium.getcontact.com

Mangyaring tandaan na ang Getcontact Premium ay hindi mabibili sa lahat ng bansa. Ang aming Premium offers ay magagamit lamang sa mga sumusunod na bansa:

  • Russia
  • Kazakhstan
  • Ukraine
  • Kyrgyzstan
  • Armenia

Paano ko mababago ang aking e-mail address na ginagamit ko sa Getcontact?

Maaari mong baguhin ang iyong e-mail address sa pamamagitan ng pagpunta sa "Show Profile" mula sa seksyong "Other" sa ibaba ng menu.

Maaari ba akong magdagdag ng isa pang numero sa aking profile sa Getcontact?

Maaari mo lamang magamit ang iyong Getcontact profile gamit ang isang numero.

Kailan mag-re-renew ang aking free usage?

Ang iyong limit ay ma-re-renew sa unang araw ng bawat buwan. Upang tingnan ang iyong natitirang limits, maaari mong sundin ang mga hakbang na ito: Other > Getcontact Premium > Subscriptions> Subscription Info

Paano ko malalaman ang natitira kong limit?

Upang tingnan ang iyong natitirang limits, maaari mong sundin ang mga hakbang na ito: Other > Getcontact Premium > Subscriptions> Subscription Info

Maaari ba akong mag-ulat ng errors?

Hindi mo nakita ang sagot sa iyong tanong? Sinisiyasat namin ang bawat feedback, lalo na ang mga teknikal, na may maingat na pangangalaga. Maaari kang magbigay sa amin ng feedback sa pamamagitan ng pagbibigay alam tungkol sa problema na iyong naranasan sa mga sumusunod na paraan: Maaari mong gamitin ang seksyon ng Help> Contact Us sa aming sa app.

Maaari kang mag-report ng errors sa pamamagitan ng sumusunod na link: https://www.getcontact.com/send-report

E-mail: support@getcontact.com

Mangyaring huwag kalimutan na ipaalam sa amin ang sumusunod na impormasyon kapag binibigyan mo kami ng feedback sa pamamagitan ng e-mail!

  • Numero ng telepono:
  • Kasalukuyang bansa:
  • Platform (Android, iOS, Web):
  • App Version:
  • Subject:

Ano ang mga pakinabang ng subscription packages?

Sa Getcontact Premium, magkakaroon ka ng maraming mga eksklusibong feature bukod sa pa isang magandang karanasan:

- Ad-free Use: Hindi ka makakakita ng anumang ad sa app.

- More Search Limits: Ang iyong mga limitasyon sa paghahanap ay tataas ayon sa klase ng iyong napiling package Premium at/o mas mataas na mga subscription. Magkakaroon ka ng higit na search limit kaysa sa isang karaniwang gumagamit.

- Mga Istatistika ng Paghahanap: Magkakaroon ka ng isang pahina ng report kung saan maaari mong makita kung kailan at kung gaano karaming beses hinanap ang iyong numero.

- Sino Ang Tumingin Sa Iyong Tags ?: Sa Premium at/o mas mataas na mga subscription, maaari mo na ngayong makita kung sino ang tumingin sa iyong tags.